GAWAING SIBIKO PATUNAY NG MAHUSAY NA PAMUMUNO

GAWAING SIBIKO PATUNAY NG MAHUSAY NA PAMUMUNO

October 20, 2022 @ 6:28 PM 2 months ago


BILANG lider-kabataan ang mga gawaing sibiko ay nagreresulta nang kahusayan sa pamumuno, ito ang pananaw ng youth civic leader na si Renee Luis Vincent Tirona, 22, Centennial President ng Leo Club District 301-C sa La Union Cultural Institute noong Leo Year 2017-2018.

Siya ay nag-aral sa mga paaralan ng Cavite School of St. Mark, La Union Cultural Institute, Victorious Christian Montessori Colleges Inc at ngayo’y sa Cavite State University – Indang sa kursong Bachelor of Science in Nursing, 4th year, exchange student in Quanzhou Normal University in China noong 2016.

“Nagsimula ang aking passion sa pagtulong sa ating kapwa mula pa noong ako’y sumali sa Leo Club sa La Union, District 301-C noong 2013.

Simula noon, namulat ako na mayroong mga komunidad at mga indibidwal na nangangailangan ng tulong na nagmumula sa puso,” ang wika ni Tirona.

Para sa kanya ang mga programang maaaring gawin para sa komunidad ay nakatuon sa medical missions o mga programang katulad nito.

Naniniwala siya na sa ganitong paraan nang paggawa ng mga proyekto ay nakakatulong sila nang may malaking epekto para sa komunidad na pinaglilingkuran.

“Kapwa ko kabataan, makilahok kayo sa mga gawaing sibiko sapagkat hindi lang kayo mamumulat sa kasalukuyang sitwasyon ng komunidad, mahahasa pa ang inyong kahusayan sa pamumuno.

‘Yan ang isa sa mga rason kung bakit magandang sumali sa Leo Club,” wika niya.
Pagwawakas ni Leo Vincent, “Paps Sir Lion Rex, alam kong isa ka sa sumusuporta at naniniwala sa kagaya kong kabataang may magagawang pagbabago sa komunidad at lipunan kaya una sa lahat salamat.:

“Salamat dahil kayo ay nagsisilbing tulay sa kagaya kong kabataan na makapaghikayat pa ng marami para makatulong sa mga komunidad. Salamat dahil sa inyo, maibabahagi natin ang kwento ng pagtulong,” diin ni Tirona.

Dagdag pa nito, “ Nawa ay marami pa kayong mai-feature na kabataan upang maging inspirasyon sa iba.”