Seoul, South Korea – Napuno ng iba’t ibang kulay ang siyudad ng Seoul sa south Korea matapos pumarada ang libu-libong gay rights activits kahapon (July 14) bilang protesta sa tinatawa nilang “obscenity” o ‘kabastusan’.
Pinangunahan ng napakalaking rainbow flag ang parade na dinaluhan ng halos 30,000 na indibidwal sa kapitolyo ng South Korea kung saan sila ay sumayaw sayaw sa mga floats na mayroong mga nakakabit na slogan at winawagayway ang mga rainbow flag ng gay rights.
Sa mga nakaraang taon, ang mga konserbatibong grupo at mga evangelists ay nagsagawa ng mga rally upang pigilan ang progreso ng taunang martsa at nagsasagawa pa ng sarili nitong pagtatanghal upang pigilan ang nasabing festival.
Naglagay ng mga harang sa bahagi ng Seoul square sa labas ng City Hall kahapon at daang-daang pulis din ang pinakalat upang maging maayos ang isinagawang martsa.
Samantala, daang-daang Kristyano ang nagwagayway ng mga bandila na mayroong krus na nakaimprenta habang nagsasabi ng anti-gay slogan at kumakanta ng mga evangelical songs.
Hindi iligal ang Homosexuality ngunit ang takot sa diskriminasyon at paghihiwalay ng lipunan ay patuloy na pinipigilan ang ilan na maglantad.
“I think the public attitude toward homosexuality has become much more receptive over the past few years”, sabi ng isang partisipante ng parade kung saan sinabi niyang siya ay Psygay.
“However, hate groups’ animosity toward LGBT people has intensified all the more”, dagdag pa niya.
Noong siya ay naglantad noong nakalipas na tatlong taon, ang kaniyang nanay at nag-iisang kapatid at sobra itong kinagulat at kinalungkot.
When he came out three years earlier, his mother and the only brother were shocked and saddened.
“After a while, my mother said she understood me as I am her son anyhow. But my brother still urges me to change”
“My father? Oh, he still doesn’t know”, pag-amin ng Psygay. (Remate News Team)