GC, nais ng Pinoy na matanggap sa Pasko

GC, nais ng Pinoy na matanggap sa Pasko

December 3, 2022 @ 4:15 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Sinabi ng isang pari na ang mahalaga sa pagbibigay ng regalo ngayong Pasko ay pagmamahal.

Ayon kay Fr. Anton CT Pascual, pangulo ng Radio Veritas na hindi mahalaga kung cash o gift in kind ang matatanggap natin ngayong Kapaskuhan.

Sa mga Katolikong Kristiyano, ang Pasko ay selebrasyon ng kapanganakan ni Hesus.

Ito din ay panahon ng pagmamahalan at pagbibigayan.

Sa isinagawang Veritas Truth Survey (VTS) sa 1,200 respondent nationwide na may petsang Nobyembre 1 hanggang 30, mayorya sa mga Filipino ang gustong makatanggap ng “Gift in Cash” (GC) na regalo ngayong Kapaskuhan.

Lumabas sa VTS na 38-percent ng mga Filipino ang nagnanais na makatanggap ng GC, 32-percent ang “Gift in Kind”, 22-porsiyento naman ang nagsabing cash o kind habang 8-porsiyento ang undecided.

Inihayag ni VTS head Bro.Clifford Sorita na 39-percent ng babaeng respondents ang nagnanais na makatanggap ng cash gifts habang 37-percent sa mga lalaki. Jocelyn Tabangcura-Domenden