GCash magagamit na sa ibang bansa

GCash magagamit na sa ibang bansa

February 16, 2023 @ 5:24 PM 1 month ago


MANILA, Philippines-  Magagamit na ang Ayala-backed mobile wallet GCash sa ibang bansa sa pamamagitan ng international SIM cards matapos aprubahan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang paglulunsad ng serbisyo.

Inihayag ng GCash na inaprubahan ng central bank ang beta launch ng GCash Overseas.

Sa bagong serbisyo, magagamit na ng mga Pilipino sa Japan, Australia, at Italy ang mobile nang hindi gumagamit ng Philippine SIM.

“With around 10 million Filipinos living abroad, we want them to also be able to take advantage of GCash services even as they use international SIMs,” pahayag ni GCash president at CEO Martha Sazon.

Mayroong 76 milyong registered GCash users, base kay Sazon.

“As more people put their trust in GCash, we strive to remove more barriers and create a better experience for all,” ani Sazon.

Sa ilalim ng beta launch, sinabi ng GCash na ang unang 1,000 users mula Japan, Australia, at Italy ang makagagamit ng mobile wallet na may international SIM card.

Kapag fully verified na, makakapag-sign in na ang mga Pilipino saa ibang bansa, gamit ang anumang SIM card, sa GCash upang magpadaala ng pera sa kanilang mga pamilya, makaapaagbayad, o bumili ng buy load credits.

Inihayag ng GCash na ikakasaa ang beta mode sa loob ng limitadong panahon at inaasahan naman ang time full launch nito nagyong taon.

Sinabi rin ng mobile wallet na pinaiigting nito ang international expansion bukod sa partnership sa global payments platform Alipay+.

Bukod sa GCash Overseas, sinabi ng mobile wallet na magagamit na ito sa piling merchants sa ibang bansa gaya ng Japan, South Korea, Singapore, Malaysia, at Qatar maging sa top European destinations tulad ng United Kingdom, France, Germany, at Italy. RNT/SA