GCash magagamit na sa SoKor, Japan, Singapore, Malaysia

GCash magagamit na sa SoKor, Japan, Singapore, Malaysia

October 20, 2022 @ 7:51 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Magagamit na ang GCash app sa ilang piling mga store sa South Korea, Japan, Singapore at Malaysia, ayon sa kompanya.

Ang nasabing transaksyon ay naging posible sa pakikipagtulungan sa Alipay+.

“For those flying to South Korea, you can use GCash in Alipay+ partner establishments located at Myeong-Dong, Dong Dae Moon, Hong Dae, Itaewon, and at Seoul Namsan Tower. These include Hyundai DFS, Lotte, Line Friends, Shilla DFS, Haidilao, Starbucks, and Paris Baguette,” anang GCash.

Ang mga naglalakbay sa Malaysia, ay maaaring gumamit ng GCash sa mga convenience store tulad ng KK Mart at Happy Mart, mga pagpipilian sa pagkain tulad ng Tealive, Mydin at Dunkin Donut, at sa Bake with Yen, dagdag ng kumpanya.

Maari ding gamitin ang GCash sa mga tindahan ng Lotte at Shilla Duty Free sa Changi Airport, Bengawan Solo, Swensens, Fragrance at kapag sumasakay ng ComfortDelgro Taxi, sabi ng Ayala-led fintech.

“In Japan, you can find several retail and food merchants in select cities like Shibuya, Asakusa, Shinjuku, Odaiba where you can shop at places like Takashimaya, Isetan Shinjuku, Odakyu, and 24hr department store Don Quixote, Rayard Miyashita Park and Tokyo Solamachi Mall, or eat at favorites like Ichiran Ramen, Kani-Doraku, and Kura Sushi.”

Sinabi ng GCash na kailangan ng mga user na maghanap ng mga establisyimento na may in-store na display ng Alipay+ sign.

Ang paggamit ng GCash app ay hindi sasailalim sa anumang mga bayarin sa serbisyo, sabi ng CEO ng GCash na si Martha Sazon. RNT