GCQ sa NCR panatilihin ‘gang Hulyo 31 – OCTA

GCQ sa NCR panatilihin ‘gang Hulyo 31 – OCTA

July 13, 2021 @ 4:37 PM 1 year ago


MANILA, Philippines – Inirekomenda ng OCTA Research Group na panatilihin ang general community quarantine (GCQ) sa Metro Manila hanggang sa katapusan ng Hulyo.

Sabi ni OCTA Research fellow Ranjit Rye, sa tingin niya ay mas makanubuting ituloy ang pagpapairal ng GCQ dahil sa banta ng Delta variant.

“We are not yet ready for MGCQ…we do not qualify. Even based on the government’s criteria for MGCQ, we won’t qualify pa, as of now,” ani Rye.

Bagama’t maganda ang kabuuang sitwasyon ng Metro Manila, iginiit ni Rye na dapat pa munang mapanatili ang mataas na vaccinations sa rehiyon.

“We need to do urgently kasi may banta ng Delta. It is not a question of if, it’s a question of when. And that’s why we need to be prepared and one of the ways to be prepared aside from expanding testing, tracing, and isolation is really to ensure that as many people in our communities where cases are prevalent are vaccinated,” paliwanag niya. RNT