GDP ng Pinas sa Q1 sumampa sa 8.3% porsyento

GDP ng Pinas sa Q1 sumampa sa 8.3% porsyento

May 12, 2022 @ 10:00 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Napanatili ng Pilipinas ang “growth momentum” sa ekonomiya nito sa unang tatlong buwan ng taon, batay sa datos na inilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA) nitong Huwebes.

Naitala ang gross domestic product (GDP) sa 8.3 porsyento sa unang kwarter, kumpara sa 7.8 porsyento sa ika-apat na kwarter ng 2021, at sa -3.8 porsyento sa parehong kwarter noong nakaraang taon.

Iniugnay naman ito ng analysts sa muling pagbubukas ng ekonomiya. RNT/SA