GEN. ELEAZAR, KORAPSYON SA SENADO LALABANAN

GEN. ELEAZAR, KORAPSYON SA SENADO LALABANAN

February 22, 2022 @ 8:28 PM 4 months ago


TINIYAK  ni dating PNP chief Gen. Eleazar sa publiko na babantayan niya ang priority Development Assistant Fund (PDAF) at itulak ang digitalization ng lahat ng transaksyon ng gobyerno bilang bahagi ng anti-corruption measures.

Isinusulong ni Eleazar ang digitalization ng mga transaksyon ng gobyerno upang matiyak na hindi basta-basta makialam ang mga opisyal at tauhan ng gobyerno sa paggamit ng badyet ng mga ahensya.

Bilang kandidatong senador sa ilalim ng Partido Reporma, sinabi ni Eleazar na magiging bahagi ng kanyang mga hakbang laban sa korapsyon and digitalization dahil layunin niyang puksain ang pandaraya at maling pag-uugali sa lahat ng ahensya ng gobyerno.

“Tama ‘yun kasi ang kailangan nating gawin. While it’s true na ang implementation ay nasa ating executive branch, pero the power of the purse still ay nandon sa Senado at through sa oversight function ay talagang dapat binabantayan natin,” aniya.

Noong nasa pulisya pa siya, kilala na si Eleazar na may malakas na paninindigan laban sa katiwalian sa lahat ng mga yunit ng pulisya at kahit sa simula ng proseso ng recruitmet na ng mga pulis.

“Kaya nga ‘yung digitalization ng lahat ng mga transaksyon ng ating pamahalaan dapat isinusulong para mabawasan o maalis ang human intervention at magkaroon ng transparency at accountability at mawala or mabawasan at ma-prevent ang korapsyon,” diin niya.

Idineklara ng Korte Suprema noong 2013 na labag sa Konstitusyon ang Priority Development Assistance Fund (PDAF) o pork barrel dahil nilalabag nito ang seperation of powers.

Tanging ang Kongreso ang may kapangyarihang gumawa ng budget habang ang Executive branch ang magpatupad ng paggamit nito.

“Alam ninyo sinasabi naman ng lahat na napakarami nating pera eh.. ang problema  eh nagagamit ba sa tama iyon? Kaya nandoon ang pagbabantay, naroon ang Senadp para magbantay nito at iyon ang ating isinusulong,” ani Heneral Eleazar

Anomang mga puna o reklamo, i-text sa 09189274764,09266719269 o i-email sa [email protected] o [email protected]