GEN. ELEAZAR PARA SA SENADO

GEN. ELEAZAR PARA SA SENADO

January 25, 2022 @ 10:15 AM 8 months ago


HINDI na mapipigilan sa kanyang balak na pagtakbo sa pulitika si dating PNP chief P/BGen.Guillermo Eleazar sa sunod-sunod na panawagan ng milyong-milyong Pilipino na ipagpatuloy ni Eleazar ang pagseserbisyo sa Senado.

Kaya nga marami ang natuwang Pilipino nang tuluyang nagdesisyon ang dating PNP chief na sumapi sa partido ng kanyang dating boss sa Partido Reporma.

Bukod dito, hinangaan ng mga Pilipino ang dating PNP chief na si Gen. Eleazar nang mabago nito ang sistema sa kapulisan mula sa mga tiwaling pulis.

Si Eleazar ay buong ipinagmalaki nito na sumapi siya sa partido ng kanyang iniidolo na dating kanyang opisyal na si Senador Ping Lacson.

Ipinakita din nina Eleazar at kanyang boss na si Ping na nagtungo sila sa Spratly Island bilang tanda na ito ay kanilang komitment sa taumbayan at sa mga mangingisda sa nasabing karagatan.

Ipinagmalaki rin ni Eleazar na hindi lang ang problema natin sa karagatan ng West Philippine Sea ang kanyang tutukan kundi kung paano na mawawakasan ang kahirapan na dinaranas ng mga kababayan natin.

E, sa aking palagay ko’y alam ng dating PNP chief na si Eleazar ang solusyon dahil sa mahabang taon nitong paninilbihan bilang isang magaling at matinik na pulis.

Puputulin din ni Eleazar ang nakagawiang sistemang pangungurakot ng ilang tiwaling opsiyal at empleyado sa gobyerno.

Sa lawak ng naging karanasan sa pagseserbisyo ni Eleazar tanging siya lang ang nakaisip para sa mga maliliit at hindi pinapansin na mga support group sa mga hospital at mga clinic.

Ang matindi pa sa ginagawa ni Eleazar ay hindi niya pinababayaan ang mga pulis na nakagagawa ng kabutihan na kahit P01 lang  ay pinupuntahan niya ito sa kahit saang rehiyon upang gawaran lang niya ng medalya o pagkilala.

‘Yan si Eleazar na dating PNP chief at nakatakdang maging senador ng ating bansa.

Anomang puna o reklamo i-text sa 09189274764,09266719269 o i-email sa [email protected] o [email protected]