GEN. SERMONIA SIKAT NA SA PINAS, SIKAT DIN SA KOREA

GEN. SERMONIA SIKAT NA SA PINAS, SIKAT DIN SA KOREA

February 25, 2023 @ 1:02 AM 4 weeks ago


HINDI lang ang walang humpay na serbisyo sa komunidad at pagmamahal sa kalikasan ang dahilan kung bakit kinilala si PLtGen. Rhodel O. Sermonia ng Republic of Korea subalit dahil sa pagmamahal niya at ginawang pagprotekta sa mga turistang Koreano na dumalaw sa ating bansa.

Si Sermonia, ang Deputy Chief for Administration ng Philippine National Police, ay tumanggap ng ‘Plaque of Appreciation’ mula sa chairman ng National Defense Committee ng Republic of Korea na si Lee Hun-Seung. Mismong sa National Assembly office sa Seoul tinanggap ni Sermonia ang parangal noong Lunes.

Nabatid na sumakamay ni Sermonia, mula sa Philippine Military Academy ’89 ‘Class Makatao’, ang plaque para sa Best International Award dahil sa kanyang makabuluhang kontribusyon para sa pangangalaga sa kapaligiran at kalikasan at serbisyo sa komunidad.

The PNP’s 2nd-highest official was cited for the environmental programs he started when he was still the director of the Police-Community Relations Group, now known as the Police-Community Affairs Development Group.

Ang pangalawang pinakamataas na opisyal ay kinilala ng Korean Congress dahil sa kanyang programang KALIGKASAN na pumoprotekta sa kapaligiran bukod pa ito sa paniniguro ng kaligtasan ng mga Koreanong turista at iba pang dayuhan na bumibisita, nakatira at nagnenegosyo sa ating bansa.

Maging dito sa Pilipinas ay kinikilala si Sermonia dahil sa kanyang mga nagawa sa Philippine National Police mula sa kanyang mga assignment sa iba’t ibang rehiyon at maging sa PNP Headquarters sa Camp Crame.

Matapos ang halalan, bago pa man maupo si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, ay marami na ang umasa na ang papalit kay PLtGen. Vicente Danao Jr. ay si Sermonia dahil siya ang nakaupong No. 2 man sa Camp Crame.

Naunang maupo sa kanya si PGen. Rodolfo Azurin Jr. na kanyang ka-Mistah dahil kapwa sila miyembro ng PMA Class Makatao.

Pero marami ang naniniwalang si Sermonia na ang papalit kay Azurin kapag bumaba ito sa puwesto sa Abril dahil bukod sa pangalawa siya sa mataas na opisyal ng PNP, marami rin naman siyang nagawa na para sa katahimikan at kaayusan ng ating bansa bukod pa sa kinilala sa ibang bansa ang kanyang mga kabutihang nagawa sa mga dayuhan.