GENDER AND DEVELOPMENT PLAN AT BUDGET NG NWRB, APRUBADO NA

GENDER AND DEVELOPMENT PLAN AT BUDGET NG NWRB, APRUBADO NA

April 8, 2021 @ 12:56 AM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

INAPRUBAHAN na ng Philippine Commission on Women kamakailan ang Gender and Development Plan and Budget ng National Water Resources Board (NWRB) ngayong taong 2021 na may kabuuang halagang Php 6.42 million na katumbas ng 5% ng taunang pondo nito.

Kabilang sa mga paglalaanan ng pondo ang sumusunod na GAD activities na may kinalaman sa client-focused activities:

  • Pagpapakalat ng Information Educational Communication materials and documentation report na may kinalaman sa water management na target gawin sa dalawang barangay sa Luzon at sa Visayas.

  • Pagsasagawa ng konsultasyon at pagsasanay sa mga kababaihan ukol sa water conservation at sa water demand management sa Baguio City, Bicol area, Masbate City at sa Visayas at Mindanao.

  • Pagsasagawa ng mga orientation-seminar sa kababaihan ukol sa use and importance of groundwater monitoring wells sa Luzon, Visayas at Mindanao.

  • Pagsasagawa ng mga kasanayan sa mga babae at lalaki ukol sa water resources management at sa related technologies on rainwater harvesting sa Luzon, Visayas at Mindanao.

  • Pagsasagawa ng kasanayan sa mga kababaihan ukol sa epekto ng climate change sa water supply and sanitation na may epekto sa kalusugan at kalinisan sa Luzon at Visayas.

Ipagpapatuloy rin ng NWRB ang regular organizational focused activities nito.

Ang NWRB ay pinamumunuan ni Dr. Sevillo David, Jr., bilang executive director, na nakapanayam na natin sa ating programa noong Pebrero 2021 at si Engr. Susan Abano ang siyang chairperson GAD Focal Point. Nasa ilalim ng Department of Environment and Natural Resources ang ahensya.

-ooOoo-

LIMAMPUNG LIBONG KAWAYAN PARA SA BICOL RIVER RESTORATION

Itinatanim ni Department of Environment and Natural Resources Undersecretary for Attached Agencies Rodolfo Garcia (gitna, foreground) ang unang batch sa 50,000 bamboo seedlings na itatanim sa pampang ng Bicol River bilang bahagi ng Bicol River Restoration Program ng Task Force Build Back Better.

Si Garcia ang kumatawan kay DENR Secretary at TF BBB chair Roy A. Cimatu sa pagpapasinaya ng BRRP na ginanap sa Camaligan Municipal Hall noong March 23.

Naroon din sa nasabing okasyon sina Camarines Sur Governor Miguel Luis ‘Migz’ Reyes Villafuerte and Camarines Sur, 2nd District Representative Luis Raymund ‘LRay’ Villafuerte, Jr.


  •  
  •  
  •