Manila, Philippines – Upang maiwasan ang sakit sa balat kung saan nasawi ang isang inmate nagsagawa na ng general cleaning sa buong pasilidad .
Ini-lock pansamantala ang naturang himpilan ng pulisya, upang walang makatakas na preso habang naglilinis., na sinabayan ng medical check-up sa mga inmate ng mga doktor mula sa MPD.
Nilinaw ni P/Supt. Robert Domingo, Station Commande, ang general cleaning ay matagal nang naka-schedule bago ito ginawa kahapon.
Bagama’t matapos na ma-diagnose, ang nasawing inmate na si Herry Baluran, na dinapuan ng necrotizing fasciitis o flesh-eating disease, may mga inmate din ang nagkakapigsa dahil sa sobrang siksikan sa kulungan na ang kapasidad lamang ay nasa 30 pero umabot na ito halos 100 preso. (Rene Crisostomo)