General Macarthur, Eastern Samar niyanig ng M-5.1 lindol

General Macarthur, Eastern Samar niyanig ng M-5.1 lindol

August 2, 2022 @ 7:00 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Inuga ng magnitude 5.1 na lindol ang General Macarthur sa Eastern Samar ngayong umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Naramdaman ang lindol na tectonic ang origin at may lalim na 57 kilometers kaninang ala-1:10 ng nmadaling araw.

Ang epicenter ay nasa 11.36°N, 125.55°E – 013 km N 08° E ng General Macarthur.

Naitala ang Intensity V sa General Macarthur, Hernani, at Quinapondan, Eastern Samar; Pastrana, Palo at Tacloban City, Leyte.

Wala namang pinsala base sa Phivolcs subalit inaasahan ang aftershocks. RNT/SA