General Tinio mayor, patay sa ambush

General Tinio mayor, patay sa ambush

July 3, 2018 @ 6:50 PM 5 years ago


Nueva Ecija – Patay sa pamamaril ang alkalde ng General Tinio na si Mayor Ferdinand Bote matapos ratrating ang kotse nito sa labas ng National Irrigation Administration sa Cabanatuan City.
Ayon kay Police Regional Office 3 director Chief Superintendent Amador Corpus, alas-4:50  kaninang hapon nang ilang ulit na pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga suspek lulan ng motorsiklo ang sasakyan ng alkalde.
Agad na isinugod sa M.V. Gallego Cabanatuan General Hospital ang mayor pero idineklara ding dead on arrival.
Kwento ni NIA Cabanatuan manager Rose Bote (hindi kamag-anak ng alkalde) na kalalabas pa lang ng opisyal sa gusali.
“May CCTV po kami sa may gate, nakita po namin ‘yun, nung ni-review po ‘yung CCTV, nung palabas na po siya ng highway. Nakasakay po siya sa sasakyan,” kwento ng manager

“Papaliko na po siya sa highway, mayroon pong isang naka-black na mama na tumutok po dun sa sasakyan niya. ‘Yun pong sa CCTV nakatayo po eh, wala po sa sasakyan,” dagdag pa nito.
Si Bote na ang ikalawang alkadeng pinatay ngayong linggo kasunod ng pagkakapaslang kay Tanauan City Mayor Antonio Halili, na binaril habang flag raising ceremony sa city hall kahapon. (Remate News Team)