GENERAL VAL DE LEON, TUNAY NA LINGKOD BAYAN

GENERAL VAL DE LEON, TUNAY NA LINGKOD BAYAN

July 27, 2020 @ 11:36 AM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

“When stakeholders perceive us to be insignificant, it is because we have made our systems work.”

Ito ang pamosong kasabihang narinig ko sa matalinong heneral na naging guiding principle niya sa lahat ng assignments, kabilang ang pagiging hepe ng Firearms and Explosives Office.

Hindi na mabubura pa sa hierarchy ng PNP ang ginawang makabago at epektibong sistema ng online application at renewal ng License to Own and Possess (LTOP) at Firearms Licensing ni General Val kung saan tinuldukan nito ang dating magulo at mahabang prosesong pahirap sa mga aplikanteng nagpapalisensya ng armas kasabay sa pagkawala rin ng mga fixer sa loob ng FEO.

Dahil sa pagbabagong ipinatupad ng magaling na heneral, humakot ng malaking kita ang PNP dito at lalo pang natukoy ang mga indibidwal na karapat-dapat bigyan ng lisensya ang mga baril bunsod sa sistemang nag-scrutinize sa kanilang pagkatao.

Mismong si Tatay Digong ang makapagpapatunay sa isinagawang pagbabago ng heneral sa FEO nang gawaran niya ito ng Gold Award mula sa Presidential Anti-Corruption Commission noong Marso 6, 2019 kung saan isa lang ito sa maraming awards na ibinigay ng iba pang ahensya at PNP dahil sa exceptional performance niya sa tungkulin.

Minsan ko lang nakasalamuha si General Val ngunit punom-puno ng marami at malalaking accomplishments nito ang kuwento ng mga pulis na nakasama niya sa Cebu at Bohol nang siya ang itinalagang regional director ng PRO-7 noong Oktubre 2019 kung saan sa loob pa lang ng dalawang Linggo ay milyon-milyong halaga ng shabu na ang nakumpiska nito.

Sabi nga ng ilang Cebuanong nakausap ko noon, ibinalik ng Heneral ang dangal at respeto ng taumbayan sa PNP makaraang kasuhan nito ang ilang scalawag na pulis na sumisira sa hanay ng kapulisan sa Visayas.

Kaya naintindihan ko na ngayon na ang paninirang lumalabas laban kay General Val ay dahil sa nasasagasaan ang ilang detractors sa loob ng ahensya ng kanyang totoong hangarin at malinis na gawaing pagsisilbi sa PNP.

Testigo ang mga Davaoeño na seryoso sa trabaho ang naturang heneral nang minsang magsilbi itong hepe ng Davao City kung saan nanguna sa isinagawang imbestigasyon ng pambobomba ng night market doon noong Sept. 2, 2016.

Nakatalaga ngayon bilang pangkalahatang Directorate for Human Resource and Doctrine Development sa Camp Crame ang respetadong opisyal at sakaling mahirang na PNP chief pagdating ng araw, madaragdagan pa ang positibong pagtingin ng taumbayan sa ahensyang ito bunsod sa kanyang magandang track record at mga accomplishment dito.

Si General Val ang pride ng Philippine Military Academy Makatao class of 1989 at naging kauna-unahang batang Heneral ng kanyang klase.

Keep up the good work General Val De Leon.

oOo

Para sa inyong komento o suhestyon mag-text sa 09999388537/email normanlaurio17@gmail.com/facebook page Imbestigador Norman Laurio.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *


Loading...