Generic meds, epektibo gaya ng branded – DOH

Generic meds, epektibo gaya ng branded – DOH

October 2, 2022 @ 12:30 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Tiniyak ng Department of Health o DOH sa publiko na ang generic medicines ay pare-parehong ligtas at epektibo sa mga branded na katapat nito.

Binigyan diin ni Department of Health officer-in-charge Maria Rosario Vergeire sa publiko na dapat ding maunawaan ng mga tao na branded man o unbranded generics, pareho lang ang safety at efficacy nito hangga’t may clearance o otorisasyon ang Food and Drug Administration (FDA) para sa partikular na produkto.

Tiniyak din ng DOH na ang mga gamot na generics sa merkado ay mataas ang kalidad.

Sinabi rin ng kagawaran na ang ahensya ay gumagamit din ng generics sa kanilang mga programa.

Paalala pa ng DOH, kailangan lamang sa mga lisensyado at awtorisado ng FDA na mga drugstore bumili ng gamot dahil hindi umano sila maaring magbenta ng counterfeit at pekeng mga gamot. Jocelyn Tabangcura-Domenden