Generic ng anti-COVID drug ng Pfizer magagamit na sa Pinas

Generic ng anti-COVID drug ng Pfizer magagamit na sa Pinas

January 12, 2022 @ 9:01 AM 7 months ago


MANILA, Philippines – Pinagkalooban  ng Food and Drug Administration (FDA) ng compassionate special permit (CSP) ang Department of Health (DoH) para sa coronavirus disease (COVID-19) drug Bexovid, generic version ng COVID-19 pill Paxlovid ng Pfizer.

“Mr. President, na-approve po ng FDA ang application ng DOH [Department of Health] para sa compassionate special permit institutional use para maging accessible ang unang generic version ng Paxlovid ,” ayon kay FDA officer-in-charge Oscar Gutierrez.

“Yung Bexovid po ay yung world’s first generic version of the US-FDA approved Pfizer’s Paxlovid… The DOH will make this accessible and available to government hospital[s] once the Biocare Lifescience, Inc. will deliver this to them,” dagdag pa niya.

Ang COVID-19 treatment aniya na ito ay kombinasyon ng Nirmatrelvir at Ritonavir. Ito ay dapat na iinumin dalawang beses isang araw sa loob ng 5 araw.

Ito ay para sa mga pasyente na may edad 12 pataas at mayroong “mild to moderate COVID-19 infection.”

“The said COVID-19 pill was found to be effective in reducing the risk of hospitalization or death,” ayon naman kay DOH Undersecretary Leopoldo Vega.

“Na-examine at na-research doon sa Pfizer, sa USA—nakita nila sa data nila sa lahat ng mga pasyenteng nabigyan po nito, nag-reduce ang kanilang hospitalization and death to about 90 percent,” aniya pa rin. Kris Jose