‘GENEROSITY’ NI MAYOR ALONG PINURI 

‘GENEROSITY’ NI MAYOR ALONG PINURI 

January 28, 2023 @ 11:17 AM 2 months ago


ANG Pulisya ng Caloocan ay isa sa city police force sa Metro Manila na sa tuwi- tuwina’y nakatatanggap ng  pagkilala dahil sa mga  makabuluhang proyekto’t reporma na matagumpay na naisasakatuparan ng mga natatalagang hepe o commander  nito.
Pero saganang atin,  isang bagay na kaya nakakamit ngayon ng Caloocan City  Police ang celebrity-like status  nito ay dahil sa all-out  help and support ng local city government  na  nagsimula pa sa panunungkulan ni Mayor turned Representative Oca Malapitan at ngayo’y MayornAlong Malapitan. 
Patok ang naging samahan ng mga na-appoint na Caloocan Police chief  sa noo’y Mayor  Oca Malapitan na nagsimulang maging city executive matapos ang May 2013 election na ngayon ay ipinagpapatuloy ng anak nitong si  Mayor Along Malapitan na nahalal na alkalde sa nakaraang May national and local elections.
Hindi  kailangang dumaing ang nakaupong hepe sa mga Malapitan dahil may kusang palo ang mag-amang lingkod bayan  sa pagbibigay ng tulong – pinansyal para sa anomang aktibidad at kung ano-ano pa para sa ikakatagumpay ng pulisya ng lungsod.
Sa  Peace and Order Council Meeting noong Enero 17 na dinaluhan ng mga representante ng iba’t ibang sektor, iniulat ni City Police chief Col. Ruben  Lacuesta na bumaba ang crime rate o insidente ng kriminalidad sa lungsod ng  5.49 percent na ikinatuwa ng butihing city executive.
Kasabay ng papuri at pasasalamat sa kasipagan ng Caloocan PS ay muling gumana ang ‘generosity mode’ ni Mayor Along  kaya’t aniya ay magdodonate ng sampung bagong mobile cars sa pulisya  para magamit sa kanilang anti- criminality campaign.
Sa  mismong pagpupulong ay pinasalamatan at pinuri ni Lacuesta  ang alkalde sa pagiging bukas palad nito sa mga pulis na silang nagpapanatili ng kaayusan at katahimikan sa lungsod. 
Kung ang lahat ng alkalde at hepe ng pulisya ay tulad sa Caloocan, tiyak na ang maayos ang lahat ng pamayanan.