Italy – Sugatan sa aksidente ang actor at director na si George Clooney sa Sardinia kung saan nito ginagawa ang kanyang miniseries.
Ayon sa report ng Italian media, kaaalis lang ng 57-anyos na actor sa hotel na tinutuluyan nito sakay ang isang motor scooter nang bumangga ito sa isang maliit na truck.
Agad din itong dinala sa ospital at tinitingnan pa ang napuruhan nitong bewang.
Sa ngayon ay iniimbestigahan na ng mga pulis ang aksidente.
Si Clooney ay nasa Sardnia para gawin ang kanyang miniseries na base sa librong isinulat ni Joseph Heller na pinamagatang “Catch 22”. (Remate News Team)