George Clooney, nakalabas na ng ospital

George Clooney, nakalabas na ng ospital

July 11, 2018 @ 8:39 AM 5 years ago


 

Italy – Nakalabas na ng ospital ang aktor/director na si George Clooney matapos siyang masangkot sa isang car accident kahapon (July 10) sa Sardinia, Italy.

Kinumpirma ito ng mga health official sa John Paul II hospital kung saan isinugod ang aktor.

Dumagsa umano ang mga local media sa ospital at pinaniniwalaang si Clooney ay dumaan sa gilid na exit ng nasabing ospital.

Ayon sa report, si Clooney, 57-anyos ay papunta na sana sa film set ng “Catch 22” kahapon sakay ng kaniyang motorbike nang mabangga siya ng isang kotse.

Usap-usapan na ang aksidente ay nangyari malapit sa Costa Corallina, sa probinsiya ng Olbia.

Wala pa namang impormasyon na binibigay ang mga pulis tungkol sa naturang insidente.

Tikom din ang bibig ng spokeman ni Clooney at hindi sumasagot sa anumang tawag at email.

Si Clooney ay nasa Sardnia para gawin ang kanyang miniseries na base sa librong isinulat ni Joseph Heller na pinamagatang “Catch 22”. (Remate News Team)