Gerald Anderson, out sa Marikina Shoemasters sa MPBL

Gerald Anderson, out sa Marikina Shoemasters sa MPBL

May 18, 2019 @ 1:52 PM 3 years ago


Manila, Philippines – Wala ang pangalan ni Gerald Anderson sa lineup ng manlalarong ipinasa ng Marikina Shoemasters sa papasok na season ng Maharlika Pilipinas Basketball League.

Ayon kay head coach Elvis Tolentino, hindi kaya ng schedule ng aktor na pagsabayin ang basketball at sa showbiz career nito. 

“Mukhang hindi makakalaro because of his schedule, so as of now hindi daw,” ayon kay Tolentino.

Si Anderson na nanguna sa record ng steals ng liga na nakapagtala ng 1.68 kada laro, ang mismong umayaw muna sa MPBL na magsisimula sa June 12. 

Samantala, kasama pa rin sa line up ng Shoemasters sina Yves Sazon, Renato Ular, at ex-pro Jondan Salvador, Christian Caldozo, Joshua Gonzales, Paeng Rebugio, JJ ESpañola, Isan dela Peña, at Von Tambeling. Remate News Team