Gerald at Julia, may problema?

Gerald at Julia, may problema?

August 16, 2022 @ 7:20 PM 1 month ago


Manila, Philippines – Sinisilip ng mga netizen ang pagkakaroon umano ng pinagdadaanan ng magkasintahang Julia Baretto at Gerald Anderson.

Ibinase nila ang kanilang kutob sa napapadalas na bakasyon ng aktres nang hindi kasama ang nobyo.

Ito na nga raw ba ang senaryong kinatatakutan nila.

Public knowledge na ipinagpalit ni Gerald si Bea Alonzo in favor of Julia.

Malakas ang pakiramdam ng mga netizen na baka natukso na raw si Gerald sa ibang babae.

Alalahanin daw na kasamang nag-shoot ni Gerald ng pelikula si Kylie Padilla sa Switzerland.

Very much available daw si Kylie lalo’t hiwalay na ito kay Aljur Abrenica.

Kinunek ng mga netizen ang kaso nina Paolo Contis at Yen Santos na nagkadebelopan during the filming of A Faraway Land na kinunan sa Faroe Islands na bahagi ng Denmark.

Hindi raw imposibleng nahulog din ang loob ni Gerald kay Kylie.

O, walang dapat ika-insecure si Julia?

Confidently beautiful? Ronnie Carrasco III