Gerald, nagbura ng comment sa post ni Rayver with Bea!

Gerald, nagbura ng comment sa post ni Rayver with Bea!

September 28, 2022 @ 8:28 AM 2 months ago


Manila, Philippines – Mabilis na binura ni Gerald Anderson ang comment nito sa post ni Rayver Cruz pero hindi pa rin ito nakawala sa mata ng netizens!

Matatandaang sa isang post ni Rayver, nagbahagi ito ng photos, isang solo pic, isa with Julie Anne San Jose, at ang nasa third slide ay group pic nila nina Julie, Bea, at Dingdong!

Pero si Gerald, mukhang first slide lang ang nakita kasi napa-comment ito ng, “Without me?” with crying emoji.

Agad naman niya itong binura. Malamang ay dahil nakita na niyang kasama pala si Bea sa pangatlong slide.

Pang-aasar tuloy ng netizens, pinabura ba ni Julia o siya na mismo ang natakot at kinabahan na maka-LQ ang jowa? Lol.

“Ingat next time Gerald para hindi nakakapag-comment sa maling post,” paalala ng supporters ng #JuRald! Paula Jonabelle Ignacio