Gerald, natuyot kay Julia!

Gerald, natuyot kay Julia!

November 15, 2022 @ 10:30 AM 3 weeks ago


Manila, Philippines – Nakaiskor ang komedyanang si Kakai Bautista na kasama sa cast ng Netflix movie na “From Russia With Love” na pinagbibidahan ni Gerald Anderson katambal ang Russian actress na si Elena Kozlova.

Sa romantic movie, ginagampanan ni Kakai ang role ng isang Pinay na may-ari ng isang bar na “Gorgeous” sa Moscow.

Nakabingwit siya ng bata at mayamang afam subalit hindi naging perpekto ang kanilang away-bati na relasyon.

Sa kaso naman ni Gerald bilang si Dennis na boyfriend ni Oksana (Kozlova), naging struggle sa kanya ang tanggapin ni Fyodor (Scott Alexander Young), ama ng Russian girlet mula sa nakaririwasang pamilya.

Intimidated din siya rito dahil eksperto sa martial arts ang kanyang prospective in-law.

Nang pinalayas si Gerald ni Scott sa bahay na tinutuluyan nito dahil sa hindi nila pagkakaunawaan, to the rescue naman si Kakai na kinandili siya sa kanyang bar.

Sinamantala ni Kakai ang kalasingan ni Gerald, dinala sa kanyang kuwarto at hinubaran ito.

Ang ending, ‘pinagsamantalahan’ niya si Ge na nang magising ay natagpuan na lang ang sariling hubad at katabi sa kama si Kakai.

Hirit tuloy ng ilang kibitzers, naka-jackpot daw ang komedyana dahil nagpakasasa ito sa katawan ng aktor.

Katunayan, may mga naiinggit kay Kakai dahil naka-bed scene nito si Ge.

Speaking of romantic appeal, marami naman ang nagsabing tila kinulang sa preparasyon ang Kapamilya actor.

Sa kanya kasing hubad-baro scenes, wala na itong pa-abs dahil pa-dad bod na ito.

Hirit tuloy ng mga nagmamahadera, natuyot daw ito mula nang maging dyowa ni Julia Barretto dahil nawala na ang ‘freshness’ nito. Archie Liao