German national niratrat sa Panglao

German national niratrat sa Panglao

September 13, 2022 @ 3:11 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Gumugulong pa rin ang hot pursuit operation ng pulisya matapos barilin ang isang German national sa Brgy. Tawala, Panglao sa Bohol nitong Lunes.

Sinabi ni Police Maj. Andie Corpos, hepe ng Panglao Police Station, nag-jogging kasama ang kaniyang aso si Pantaleone Voci sa highway ng naturang barangay nang nilapitan sila ng riding-in-tandem at pinagbabaril.

Agad na isinugod sa pinakamalapit na ospital ang biktima at kasalukuyang ginagamot.

Nrekober naman ang apat na empty shell ng .45 caliber pistol sa crime scene.

Paglalahad pa ni Corpus, posibleng personal grudge ang motibo sa krimen.

Paiigtingin naman ng Panglao PNP ang kanilang pagpapatrulya sa lungsod lalo at kilala ang bayan bilang tourist destination sa probinsya. RNT/SA