Germany nangangailangan ng 600 Pinoy nurse

Germany nangangailangan ng 600 Pinoy nurse

September 6, 2022 @ 6:24 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Nangangailangan ang Germany ng 600 rehistradong nurse mula sa Pilipinas.

Ikakasa ang selection process sa Department of Migrant Workers, sa ilalim ng Triple Win Project, isang government-to-government agreement na nilagdaan noong 2013.

Para sa mga interesadong aplikante, kinakailangang mayroong B1 o B2 level na Germany language proficiency o dumaan sa German language training na idaraos at babayaran ng Triple Win.

Pwede umanong magsimula mula Nobyembre 2022 hanggang Enero 2023 ang language class.

Nilinaw naman ni Laura Oexle, chargé d’affaires ng German Embassy sa Manila, na walang placement fee na hinihingi sa hiring.

“The program covers the visa application, translation of documents, medical test and also the airfare to Germany. There is also no placement fee,” sabi ni Oexle.

Itinakda sa Setyembre 30 ang deadline para sa mga aplikante, na maaaring magsumite ng mga rekisitos sa central at regional offices ng Philippine Overseas Employment Administration.

Halos 200,000 dagdag na professional nurse ang kakailanganin ng Germany sa susunod na 10 taon. RNT/SA