(G)I-DLE, hakot award sa anim na trophy!

(G)I-DLE, hakot award sa anim na trophy!

April 4, 2022 @ 10:30 AM 3 months ago


SEOUL, South Korea – Patuloy na naghahakot ng trophy ang sikat na Kpop girl group na (G)I-DLE!

Ito ay makaraang madagdag sa kanilang rekord ang pagkapanalo nila sa M Countdown ng MNET nitong Marso 31 sa kanilang new song na ‘TOMBOY’ bilang first place.

Dahil dito ay nasa kabuuang anim na ang kanilang mga nakamit na pagkapanalo simula nang ilabas nila ang bagong awitin.

Matatandaan na noong March 14 nila inilabas ang TOMBOY na ayon sa mga fans ay mayroong astig na instrumental sound na nag-match sa kanilang unique voice.

Todo pasalamat naman ang (G)I-DLE sa suporta ng mga fans:

“Thank you for supporting us even in our last week of promotions. We’re so happy thanks to Neverland. We will try our best to become a better group.”

Una na ring napabalita na numero uno sa iTunes Top Album chart sa dalawampu’t apat na mga rehiyon sa buong mundo ang kanilang full-length album na ‘I Never Die’ kung saan belong ang song na TOMBOY. RNT/JGC