Giannis na injured sa EuroBasket

Giannis na injured sa EuroBasket

September 9, 2022 @ 4:05 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Nagtamo ang injury si two-time NBA MVP Giannis Antetokounmpo habang naglalaro sa koponan ng Greece sa EuroBasket

Na-injured umano ang kanang bukong-bukong ng Milwaukee Bucks star habang naglalaro para sa Greece sa EuroBasket 2022.

Sinabi naman ng Greek Basketball Federation na may bahagyang sprain lang ang two-time NBA Most Valuable Player.

“Maganda ang lahat,” sabi ni coach Dimitrios Itoudis.

Natamo ni Antetokounmpo ang injury sa ikatlong quarter ng 90-69 tagumpay noong Huwebes, Setyembre 8, laban sa Estonia sa finale ng Group C para sa magkabilang koponan.

Umiskor siya ng 25 puntos sa 9-of-10 shooting sa loob ng 19 minuto bago lumabas.

Si Antetokounmpo, 27, ay may average na 29.5 puntos kada laro sa torneo. Nakatakdang harapin ng Greece ang Czech Republic sa Linggo sa round of 16.JC