Gigi, ninakawan na, na-bash pa!

Gigi, ninakawan na, na-bash pa!

March 18, 2022 @ 9:15 AM 3 months ago


Dubai, UAE – Hindi napigilang ibahagi ni Gigi de Lana sa FB page nito ang experience sa Dubai Expo 2020 kung saan nawala ang kanyang cellphone.

“Nawala phone ko and ‘di binalik. I tried to locate my iPhone through find my iPhone and wala, dinala na talaga. And nagpa-help na rin ako dito sa Dubai,” caption ng singer.

Pero sa halip na sympathy from netizens ang makuha, na-bash pa ito at nabastos.

“Bili ka bago.”

“Wala ka ba pambili bago?”

“Move on.”

“Hintayin na lang namin link,” isa sa comments na tila nagpapahiwatig na may video si Gigi sa phone na maaaring kumalat and they will just wait for the link.

Imbis na patulan, Gigi just explained why big deal sa kanya ang pagkawala nang phone niya.

“Una po sa lahat, bago ako bumili ng brand new phone, mas uunahin ko medical bills ng mom ko and iba pang pambayad ng bills. Parang kayo din, ganu’n din kayo, ‘di ba? Unless talagang wala na kayo mapag-gastusan sa pera niyo,” saad nito.

Gigi went to Dubai with her band for the Domination tour. Sa Abu Dhabi naman ngayong March 18 at sa Bahrain naman on March 25. Paula Jonabelle Ignacio