Gilas Dream Team bubuuin ng SBP

Gilas Dream Team bubuuin ng SBP

September 16, 2022 @ 1:19 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Ibinida ng Samahang Basketbol ng Pilipinas na inaayos na ng Gilas Pilipinas para maisama sina PBA Most Valuable Players June Mar Fajardo at Scottie Thompson sa pagsabak ng national team sa November window ng FIBA ​​World Cup Asian qualifiers.

Matatandaang huling naglaro si Fajardo para sa pambansang koponan noong 31st Southeast Asian Games sa Hanoi kung saan nagtapos sila ng silver medal habang si Thompson ay sumabak sa Gilas sa pinakabagong window noong Agosto.

Bukod sa dalawang MVP, pinag-aaralan din ng SBP  na maisama sina CJ Perez, Japeth Aguilar, Arvin Tolentino, at TNT teammates Roger Pogoy at Poy Erram.

Target umano ng SBP na buuin ang isang tinatawag na Dream Team na bubuuin nang halos PBA players at iba pang mahuhusay na Pinoy basketball star.

Makakalaban ng Gilas ang Jordan at Saudi Arabia, parehong away, sa fifth window ng Asian qualifiers.JC