Gilas girls bigong ma-promote sa Division A

Gilas girls bigong ma-promote sa Division A

September 11, 2022 @ 3:30 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Bigong umangat sa Division A ang Gilas Pilipinas U18 Girls team nang matalo sila sa Malaysia sa overtime, 66-65, sa FIBA ​​U18 Women’s Asian Championship Division B sa India.

Umangat ang Gilas Girls sa 55-54 may 26 segundo ang natitira sa extra period bago ang foul ni Sydney Jane Heyn kay Sammi Tan ang nagdala sa huli sa linya at nahati ang kanyang mga free throws.

Sinubukan ni Kate Bobadilla na i-salvage ang laro ngunit hindi nagtagumpay habang humihina ang orasan hanggang sa huling buzzer.

Nanguna ang Filipinas sa 60-59 may 1:22 ang nalalabi sa fourth period ngunit isang triple ni Hui Lin Elaine Chong ang nagbigay bentahe sa Malaysians. Inihatid ni Bobadilla ang game-tying shot na nagdala ng laro sa overtime.

Si Bobadilla ay may 19 points at 9 rebounds para sa national team, habang si Liane Ashley Loon ay may 17 points at 10 rebounds.

Nagtala si Jia Huey Yun ng 14 para sa Malaysians, habang si Xiao Qi Teh ay may 13 puntos.

Makakaharap ng Gilas Girls ang Samoa sa 3rd place game, habang lalabanan ng Malaysia ang Mongolia sa finals. Ang kampeon ng torneo ay aakyat sa Division A.JC