Gilas handa na vs New Zealand’s Tall Blacks

Gilas handa na vs New Zealand’s Tall Blacks

June 29, 2022 @ 12:28 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Matapos dumating sa New Zealand, agad na naghanda ang Gilas Pilipinas sa epikong pakikipagsagupa nito kontra sa national team ng New Zealand na Tall Blacks para sa ikatlong window ng 2023 Fiba World Cup Asian qualifiers bukas.

Sa 11 mga manlalaro, target ng Philippine national team na ibangon ang sarili at makuha ang panalo kahit isa kontra  sa Tall Blacks kapag sila ay maglaro sa Huwebes sa Eventfinda Stadium sa Auckland.

Pinangungunahan nina Dwight Ramos at Kiefer Ravena ang delegasyon kasama sina SJ Belangel, RJ Abarrientos, Dave Ildefonso, Carl Tamayo, Rhenz Abando, William Navarro, Lebron Lopez, Kevin Quiambao, at Geo Chiu.

Ito ang unang pagharap ni coach Nenad Vucinic kontra sa New Zealand, na kanyang pinangasiwaan mula 2006 hanggang 2014.

Layunin ng Gilas na matalo ang Tall Blacks matapos matikman ang 88-63 na kabiguan noong Pebrero. RICO NAVARRO