Gilas Pilipinas ensayo agad sa Jordan

Gilas Pilipinas ensayo agad sa Jordan

November 8, 2022 @ 1:09 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Agad na sasabak  sa ensayo ang Gilas Pilipinas matapos dumating sa bansang Jordan upang maglaro sa fifth window ng FIBA World Cup Asian qualifiers.

Sasandal ang Pilipinas kina Kai Sotto at Angelo Kouame sa pagsabak ng bansa kontra Jordan at Saudi Arabia.

Haharapin ng Gilas ang Jordan sa Nobyembre 11 habang ang Saudi Arabia sa Nobyembre 13.

Inaasahang magpapakita ng magandang laro ang pambato ng Pilipinas na si Kai Sotto na naglalaro sa  Australian Basketball League.

Bukod sa dalawa ay makakasama nila sina Scottie Thompson ,Japeth Aguilar ,Jamie Malonzo, CJ Perez, Roger Pogoy, Calvin Oftana ,Poy Erram, Arvin Tolentino at Kevin Quiambaoat mga Japan B League import na sina Ray Parks, Kiefer at Thirdy Ravena at Dwight Ramos.JC