Gilas Pilipinas handa na vs Jordan

Gilas Pilipinas handa na vs Jordan

February 26, 2023 @ 3:18 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Handa na ang Gilas Pilipinas sa kanilang huling laro ngayong Lunes sa 6th window ng FIBA World Cup Asian qualifiers kontra Jordan na gaganapin sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

Ayon kay national men’s basketball team coach Chot Rehyes, magsasagawa lang sila ng ilang adjustment para sa laban kontra Jordan.

Matatandaang nakabawi at nakaganti ang Gilas kontra Lebanon noong Biyerner matapos nitong tambakan ang Lebanon, 107-96.

Sibin ni Reyes, maganda ang naging opensa nila para mabawian ang Lebanon na tumalo sa kanila noong nakaraang taon.

Pinasalamatan din ni Reyes ang mga mambabatas ng bansa dahil sa napabilis ang naturalization process ni Justin Brownlee na siyang bumandera sa laban nila kontra Lebanon.

Kumpiyansa si Chot na malakas ang pundasyon ng Gilas Pilipinas sa pagsabak nito sa World Cup sa Agosto.

Maganda na umano ang ikot ng kanilang bola at nagkakaintindihan na sa kanilang mga galaw.