Gilas Pilipinas laglag sa no. 41 sa FIBA ​​rankings

Gilas Pilipinas laglag sa no. 41 sa FIBA ​​rankings

September 27, 2022 @ 2:03 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Lumagapak  ang Gilas Pilipinas sa no. 41 sa pinakabagong FIBA ​​global rankings pagkatapos ng hindi magandang kampanya sa nakalipas na ilang buwan.

Dating nakaupo ang pambansang koponan sa no. 33, ngunit nalampasan na sila ngayon ng Asian rivals South Korea (no. 34) at Japan (no. 38) sa kabila ng dalawang bansa sa East Asia na nalaglag din ng limang puwesto at isang puwesto, ayon sa pagkakasunod-sunod.

Naganap ang pagbaba sa pandaigdigang hagdan ng Pilipinas matapos malagay sa ika-siyam na pwesto sa 2022 FIBA ​​Asia Cup–ang pinakamasamang pagtatapos ng bansa sa rehiyonal na torneo mula nang malagay sa ika-siyam noong 2007 na edisyon na ginanap sa Japan.

Mahirap din ang kampanya ng Gilas sa fourth window ng FIBA ​​World Cup Asian Qualifiers matapos bumagsak sa Lebanon kahit pa naglaro si NBA star Jordan Clarkson, na nanguna sa home team sa pagdurog sa bisitang Saudi Arabia sa kanilang laban sa Mall of Asia Arena.

Napanatili ng USA ang pagkakahawak nito sa nangungunang puwesto sa mundo na sinundan ng mga powerhouse na Spain, Australia, Argentina, at France sa ikalawa, ikatlo, ikaapat, at ikalimang puwang.JC