Gilas Pilipinas, todo handa na sa 2019 FIBA World Cup

Gilas Pilipinas, todo handa na sa 2019 FIBA World Cup

June 13, 2018 @ 11:43 AM 4 years ago


Patuloy ang intensive training ng Gilas Pilipinas bilang paghahanda sa 2019 FIBA World Cup qualifiers kontra Chinese Taipei at Australia.
Ayon kay Gilas Coach Chot Reyes, kahit na kasama na nila si Andray Blatche at Calvin Abueva sa nakaraang ensayo ay nakukulangan pa rin ito at kinakailangan pa ng maraming adjustment.
May apat na full practice na lang sila bago ang pagtungo nila sa Taipei sa Hunyo 29 para sa laban kontra Chinese-Taipei at ang Australia sa Hulyo 2 na gaganapin sa Philippine Arena sa Bulacan. (Remate News Team)