Gilas ready na sa FIBA World Cup Asian qualifiers

Gilas ready na sa FIBA World Cup Asian qualifiers

February 22, 2022 @ 10:02 AM 4 months ago


MANILA, Philippines – Kayod marino sa training bubble ang Gilas Pilipinas ilang araw bago napipintong pagsabak nila sa FIBA World Cup Asian Qualifiers.

Ginagabayan ni coach Chot Reyes at ang 13 manlalaro nito para sa pandaigdigang torneo na magsisimula sa Pebrero 24 hanggang 28.

Kasama sa pambatong manlalaro ng Gilas  sina B. League players Thirdy Ravena at Dwight Ramos, naturalized player Ange Kouame, Juan Gomez de Liano, Will Navarro, Jaydee Tungcab, Tzaddy Rangel, Lebron Lopez, Robert Bolick, Poy Erram, Kelly Williams, Gab Banal at Kib Montalbo.

Nasa bubble din ang kumpletong coach staff ni Reyes na sina Jong Uichico, Josh Reyes, Marc Pingris at Nedad Vucinic at mga team officials.

Sa Pebrero 24 sasabak ang Gilas kontra sa South Korea at susundan ang India sa Pebrero 25.

Matapos ang isang araw ng pahinga ay lalahok naman ang gilas kontra sa New Zealand sa Pebrero 27 at South Korea sa 28th.Rico Navarro