Gilas star Baltazar pumirma na sa Japan B League

Gilas star Baltazar pumirma na sa Japan B League

May 26, 2022 @ 1:22 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Opisyal nang lalaro sa Japan si Gilas star at La Salle forward Justine Baltazar matapos pumirma ng kontrata sa Hiroshima Dragonflies para sa 2022-23 B.League season.

Hindi naman isiniwalat ang nilalaman ng kontrata,

“Bago pumirma sa kontrata, iniisip ko muna ang tungkol sa aking pamilya. Siyempre, nagkaroon din ako ng matinding pagnanais na sumali sa pangkat na ito. Gayunpaman, pagkatapos isaalang-alang ang aking asawa at anak, naisip ko na ang Hiroshima Dragonflies ay isang kahanga-hangang koponan para sa aking pamilya, ” ayon kay Baltazar. “Isang malaking karangalan na maging miyembro ng team. Gusto kong gawin ang lahat ng aking makakaya para makapag-ambag sa club.”

Galin ang 6-foot-7 forward mula sa Pampanga sa matagumpay na huling season kasama ang Green Archers kung saan nakakuha siya ng puwesto sa Mythical Team, na nag-average ng 12.6 points, 10.8 rebounds, 3.1 assists, 1.0 steal, at 1.0 block para pamunuan ang koponan  sa Final Four.

Sabik naman ang Hiroshima na makasama na sa laro ang Gilas Pilipinas big man para sa susunod nilang kampanya.

“I am confident that the variation of offense will increase. I think that it will be possible to reduce the tactics of the team as soon as possible even after joining the team kasi napakataas ng awareness ng team at ang basketball IQ din. mataas. Inaasahan ko ang tagumpay na humahantong sa tagumpay ng koponan,” ayon kay Dragonflies general manager Shuji Okazaki.

Ang Hiroshima ay galing sa 29-28 record nitong nakaraang season kung saan ang koponan ay nagtapos sa ika-12 sa pangkalahatan sa liga.JC