Gilas star Carl Tamayo lalaro sa Japan

Gilas star Carl Tamayo lalaro sa Japan

January 10, 2023 @ 10:28 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Gamit ang instagram, inihayag ng  University of the Philippines forward na tinanggap niya ang alok na magtungo sa ibang bansa at simulan ang kanyang propesyonal na karera sa Japan B.League.

“Ang paglalaro para sa UP ay isa sa pinakamalaking pagpapala sa aking buhay, at nagpapasalamat ako kay coach Gold [Monteverde], coach Bo [Perasol], sa aming mga Sponsor, sa buong team, sa mga tao sa likod ng Nowhere to go but UP, at sa UP community for welcoming me into the UP family and for contributing to my growth as a basketball player. Thank you po sa inyong lahat,” he wrote.

“Lalo akong nagpapasalamat dahil ang aking paglalaro sa UP ay nagbukas ng mga pintuan para sa higit pang mga pagpapala at pagkakataon. Nais kong ibahagi sa lahat na ako ay naimbitahan na maglaro sa Japanese B-League, at pagkatapos kumonsulta sa aking pamilya, si Coach Gold , ang mga kasamahan ko, at ang UPMBT management, napagpasyahan kong tanggapin ang alok na maglaro nang propesyonal sa Japan.”

Si Tamayo ay palagiang nililigawan ng mga overseas team mula sa Japan at Korea at na-link na maglaro para sa Ryukyu Golden Kings sa B.League.

Gayunpaman, hindi ibinunyag ng dating UAAP Rookie of the Year kung saang koponan siya pumayag na laruin.JC