Gilas star Will Navarro pumirma na rin sa Korean pro-league

Gilas star Will Navarro pumirma na rin sa Korean pro-league

July 7, 2022 @ 3:14 PM 1 month ago


MANILA, Philippines — Inanunsyo ng Seoul Samsung Thunders nitong Huwebes ang pagpirma ng dating Ateneo Blue Eagle at kasalukuyang manlalaro ng Gilas Pilipinas na si William Navarro.

Naglaro si Navarro sa three-peat team ng Ateneo mula 2017-19 at kasama sa programa ng Gilas mula noong 2021. Sinabi ng Korean source na si Navarro ay napaulat na pinirmahan ng Thunders ng Korean Basketball League ang dalawang taong kontrata.

Ang anunsyo ay ginawa sa Korean site na N Sports, pero hindi naman ibinundyag ang laman ng kontrata.

Naglalaro ang Thunders sa kabiserang lungsod ng Seoul ng South Korea sa Jamsil Arena. Nanalo ang Seoul ng dalawang titulo ng Korean league noong 2000-01 at 2005-06 season. Ang huling beses na nakapasok ang ballclub sa finals ay noong 2016-17 season.

Nalugmok ang Thunders sa K League noong 2021-22 season na may nakalulungkot na 9-44 record. Nanalo ang Seoul Knights ng kampeonato sa liga.

Ayon sa insider ang kasalukuyang kontrata ni 6’6” Navarro sa mga pambansang koponan ay tatakbo hanggang Marso 31, 2023.

Si SJ Belangel ang magiging pangalawang manlalaro ng Blue Eagles at Gilas na makalaro sa Korean league matapos pumirma sa Daegu Kogas Pegasus. Nag-opt out siya sa kanyang huling dalawang season para sa Ateneo dahil nakapagtapos na siya ng kolehiyo.JC