Gilas Youth sibak sa 2022 Fiba U-18 Asian Championship

Gilas Youth sibak sa 2022 Fiba U-18 Asian Championship

August 25, 2022 @ 12:45 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Nasibak ang Gilas Pilipinas Youth sa 2022 Fiba Under-18 Asian Championship matapos yumukod sa Lebanon, 99-83, nitong Miyerkules ng gabi  sa Azadi Basketball Hall sa Tehran.

Natagpuan ng Lebanon ang kanilang lakas mula sa malalim ng maaga upang tumalon sa 27-11 lead sa pagtatapos ng unang quarter na nabanat pa ang kalamangan sa 25, 52-27, bago matapos ang first half.

Walang nahanap na solusyon ang Pilipinas sa mainit na mga kamay ng Cedars nang matambakan sila ng 37 puntos, 93-56, matapos ang tres ni Bryan Mansour may 7:20 na nalalabi sa kumpetisyon.

Si Mason Amos, ang nangungunang scorer ng torneo, ay napigilan sa 11 puntos sa 3-of-11 shooting na may pitong rebounds at dalawang assists.

Ito ay isang nakakabigla na pagtatapos para sa kampanya ng Gilas Youth, isang araw lamang matapos ang isang sweep ng Group C laban sa Syria, 112-48; Qatar, 77-61; at Chinese Taipei, 84-73.

Ang mas masahol pa, ito rin ang nagwakas sa mga pangarap ng Pilipinas na makuha ang isa sa apat na Asia spot para sa 2023 Fiba Under-19 World Cup sa Debrecen, Hungary sa susunod na taon.

Nag-ambag si Kyle Gamber ng 10 puntos na binuo sa isang pares ng treys, na may apat na assists at tatlong rebounds, habang sina EJ Abadam, Luis Pablo, at Kobe Demisana ay pawang may siyam para sa mga Pinoy.

Gayunpaman, ang Lebanon ay sobrang init mula sa kalaliman, umabot sa 17-of-30 mula sa distansya matapos lamang mag-shoot ng 15.6-porsiyento mula sa kabila ng arko sa pool play.

Pinangunahan ni Bryan Mansour ang Cedars barrage na may 28 puntos mula sa isang killer 6-of-8 clip mula sa deep, kasama ang kanyang pitong rebounds at pitong assists.

Nakagawa rin si Karim Rtail ng apat na tres para sa kanyang 25 puntos, anim na tabla, at apat na dime para sa Lebanon, na ngayon ay naghihintay sa mananalo sa quarterfinal sa pagitan ng Japan at Chinese Taipei.

ANG ISKSOR

LEBANON 99 – Mansour 28, Rtail 25, Kozah 18, Zamatta 10, Ab. Sabbagh 6, Sleiman 4, Al. Sabbagh 4, Assaf 4, Nasr 0, Alalia 0.

PHILIPPINES 83 – Amos 11, Gamber 10, Abadam 9, Pablo 9, Demisana 9, Nacua 8, Coronel 8, Bahay 7, Gagate 6, Alao 3, Porter 3, Andres 0.

Mga quarter: 28-11, 53-35, 80-53, 99-83.JC