Gin Kings, Beermen pukpukan sa Game 6

Gin Kings, Beermen pukpukan sa Game 6

August 8, 2018 @ 6:50 PM 4 years ago


PBA – Balak nang tapusin ng Barangay Ginebra ang PBA Commissioner’s Cup Finals series nila ng San Miguel Beer para kunin ang korona ngayong gabi sa MOA Arena sa Pasay City.

Abante kasi ngayon ang Gin Kings sa Beermen sa 3-2 lead matapos magkasunod na makuha ang panalo — Game Four (130-100) at Game Five (87-83) .

Pero pipigilan naman ito ng  Beermen ayon kay coach Leo Austria, dahil aniya hindi sila basta susuko at ipaaabot sa Game 7 ang serye.

Ilang minuto na lang at magsisimula na ang Game 6 ngayong alas-7 ng gabi (August 8). (Remate News Team)