PBA – Naghari na naman ang Gin Kings matapos talunin ang GlobalPort Batang Pier sa score na 116-98 kagabi sa PBA Commissioner’s Cup.
Dahil dito, nasa ikaanim na pwesto na sa team standing ang Barangay Ginebra sa record na 6 wins at 5 looses.
Pinanngunahan ni Justin Brownlee ang panalo ng Gin Kings sa kanyang 36-points at 11-rebounds habang may 10-points, 9-rebounds at 11-assists si Scotie Thompson.
Samantala, tinambakan naman ng Alaska Aces ang Phoenix Fuel masters sa score na 114-91 sa unang game kahapon na ginanap sa Cuneta Astrodome sa Pasay City. (Remate News Team)