Gin Kings sinupalpal ang Beermen

Gin Kings sinupalpal ang Beermen

July 28, 2018 @ 10:33 AM 5 years ago


PBA – Aminado si San Miguel Beermen coach Leo Austria na minaliit nila ang Barangay Ginebra dahil sa ipinamalas nitong laro noong quarterfinals at semifinals.

Ayon kay Austria,  hindi maikakaila na labis silang napahiya sa ginawang pagtambak sa kanila ng GinKinhs 127-99 sa first game ng kanilang best of seven finals ng PBA Commissioner’s Cup.

Dahil dito, sureball na silang makababawi sa next game dahil malaking adjustments na ang kanilang gagawin.

Pinangunahan ni Justin Brownlee sa 42 nitong puntos na sinegundohan ni Joe Devance at kinalahati ang puntos sa 20.

Bigo namang maisalba ni Renaldo Balkman sa kanyang 27 points ang Beermen.

Ginebra 127 – Brownlee 42, Devance 20, Caguioa 11, Slaughter 11, Mercado 10, Tenorio 9, Thompson 7, Ferrer 7, Mariano 4, Chan 2, J. Aguilar 2, Cruz 2, Manuel 0, Caperal 0.

San Miguel 99 – Balkman 27, Standhardinger 26, Fajardo 13, Santos 8, Lassiter 6, Cabagnot 5, Nabong 5, Ross 4, Lanete 3, Ganuelas-Rosser 2, Pessumal 0.

Quarters: 35-20; 69-50; 94-75; 127-99. (Remate News Team)