Ginang inundayan ng saksak, patay

Ginang inundayan ng saksak, patay

April 17, 2022 @ 10:36 AM 2 months ago


ILAGAN CITY, ISABELA- Dead-on-arrival sa pagamutan ang isang ginang matapos undayan ng saksak sa Brgy. Sta. Isabela Sur, Ilagan City.

Kinilala ang biktima na si Arlene Mendoza, nasa hustong gulang, may-asawa, at residente ng nasabing barangay.

Hanggang sa ngayon ay patuloy na inaalam ang pagkakakilanlan ng suspek.

Sa pagtugon ng pulisya sa pinangyarihan ng insidente ay hindi na nila naabutan doon ang biktima.

Una rito, nakatanggap umano ang biktima ng tawag sa cellphone mula sa kaniyang asawa na kinilalang si Dondon Mendoza na residente ng Brgy. Caliguian, Burgos, Isabela kung saan sinabihan umano nito ang biktima na mag-kita sila sa labas para ibigay ang allowance ng kanilang mga anak.

Ngunit ilang sandali lamang ay narinig na sumisigaw na ang biktima at agad namang tumakas ang hindi pa nakikilalang suspek.

Patuloy ang isinasagawang manhunt operation ang kapulisan sa naturang insidente. Rey Velasco