Ginang kulong sa P14.2M shabu

Ginang kulong sa P14.2M shabu

November 1, 2022 @ 12:45 PM 4 weeks ago


LAPU-LAPU CITY, Cebu- Sa kulungan ngayon magtitirik ng kandila sa araw ng Undas ang isang ginang matapos madakip ng mga awtoridad sa ginawang drug buy-bust operation nitong Lunes sa lungsod na ito.

Kinilala ang nadakip na suspek na si Arcelie Auron Cortes, residente sa Sitio Casanta Brgy. Mactan, ng lungsod.

Sa pinagsamang operasyon ng Cebu-PNP at Philippine Drug Enforcement Unit PDEA-Cebu, nadakip ang suspek kagabi sa nasabing lugar.

Ayon sa pulisya, matagal na nilang tinitiktikan ang suspek dahil sa talamak na pagbebenta ng shabu.

Narekober sa suspek ang 2 kilo na pinaniniwalaan shabu at aabot sa halagang P14.2 milyon.

Nakuha rin sa suspek ang malaking halaga ng pera na ginamit sa buy-bust.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa illegal drugs ang suspek. Mary Anne Sapico