Ginang kulong sa P34M shabu

Ginang kulong sa P34M shabu

October 15, 2022 @ 1:00 PM 2 months ago


LAPU-LAPU, Cebu- Arestado ang isang ginang matapos mahulihan ng malaking halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation ng mga awtoridad, Biyernes sa lungsod na ito.

Kinilala ang nadakip na suspek na si Rosell Arda alyas Janet, 42, at residente ng Barangay Poblacion Occidental, Consolacion.

Sa report ng Police Regional Office 7, nadakip ang suspek sa Barangay Ibo, Lapu-Lapu at nakuhanan ng higit sa 5 kilo ng shabu na aabot sa halagang P34 milyon.

Ayon kay Police Regional Office 7 Director Police Brigadier General Roderick Augustus Alba, nauna ng nadakip ang grupo ni Arda na nakuhanan ng 15 kilo ng shabu na nangungupahan sa lungsod.

Sinabi ng pulisya, 10-taon nakulong si Arda sa kasong illegal drugs simula 2008 hanggang 2019.

Sinampahan na ng kasong paglabag sa illegal drugs ang suspek. Mary Anne Sapico