Ginang, mangingisda binitbit sa buy-bust sa Navotas

Ginang, mangingisda binitbit sa buy-bust sa Navotas

September 17, 2022 @ 12:36 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Sa kulungan ang bagsak ng isang ginang na listed bilang drug pusher at kanyang kasabwat matapos mabitag sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Navotas City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni Navotas police chief Col. Dexter Ollaging ang naarestong mga suspek bilang sina Rosario Enriquez alyas “Rosing”, 54, (pusher/listed) at Rovidal Umali alyas “Buknoy”, 28, kapwa ng Blk 15, Tanigue St., Caloocan City.

Ayon kay Ollaging, dakong ala-1:30 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Navotas police sa pangunguna ni PLT Luis Rufo Jr ng buy bust operation sa Langaray St., Brgy. Dagat-Dagatan matapos ang natanggap na impormasyon hinggil sa pagbebenta umano ng shabu ng mga suspek.

Isang undercover police ang nagawang makipagtransaksyon ng P500 halaga ng droga sa mga suspek at nang tanggapin ang marked money mula sa poseur-buyer kapalit ng isang sachet ng shabu ay agad dinakip ng mga operatiba si Rosing at Buknoy.

Nakuha sa kanila ang humigi’t kumulang 10.02 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price P68,136, mark money at P300 recovered money.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. Boysan Buenaventura