Ginang na OFW duguan sa pananaksak ng lasing na mister

Ginang na OFW duguan sa pananaksak ng lasing na mister

May 12, 2022 @ 1:33 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Mistulang naligo sa sariling dugo ang isang 46-anyos na ginang makaraang pagsasaksakin ng kanyang lasing na asawa, sa Purok Amihan, Brgy. Barrera, Cabanatuan City nitong Miyerkules.

Sa report ng pulisya, ganap na alas-11:10 kagabi nang maipagbigay-alam sa kanilang tanggapan ang nasabing pangyayari.

Kinilala ang biktima na si Rowena Belen y Dacaymat, isang OFW at
residente ng Purok 7, Brgy. Aduas Sur, Cabanatuan City.

Sa imbestigasyon, ganap na alas-8:30 kagabi nang atakihin ng saksak ang biktima ng kanyang asawa na si Rommel Belen y Serrano, 47, mekaniko at residente ng nasabing barangay.

Ang biktima ay nagtamo ng mga tama ng saksak sa bahaging dibdib, braso at paa na ngayon ay patuloy na nilalapatan ng lunas sa M.V. Gallego General Hospital.

Habang ang suspek ay sasampahan ng kasong Attempted Parricide. Elsa Navallo