Ginang na wanted sa Navotas, arestado

Ginang na wanted sa Navotas, arestado

January 19, 2023 @ 1:16 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Kalaboso ang isang ginang na listed bilang wanted matapos maaresto ng pulisya sa isinagawang manhunt operation sa Navotas City, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni Navotas police chief P/Col. Dexter Ollaging ang naarestong akusado bilang si Rowena Macatunao, 50 ng 417, Brgy. NBBN, Navotas City.

Ayon kay Col. Ollaging, alinsunod sa kampanya ng PNP kontra wanted persons, nagsagawa ang mga operatiba ng Warrant and Subpone Section (WSS) ng Navotas police ng manhunt operation in relation to SAFE NCRPO na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado sa kanyang bahay dakong alas-2:30 ng hapon.

Ang akusado sy dinakip sa bisa ng warrant of arrest na inisyu MeTC Branch 119 ng Navotas City noong Marso 1, 2021 para sa kasong Simple Disobedience. Boysan Buenaventura